Not displayed

Kanina, naisipan ko na naman ayusin yung post cards ko. Nawili ako mangolekta ng post cards at art prints mula nung magsimula ako umattend ng komiket at komikon. Wala naman ako balak ipadala yung mga binibili ko kasi, hello, 50-100 pesos yung cards, tsaka ang rason ko rin naman talaga e ididisplay ko yung mga yun sa kwarto ko. Na hindi ko pa nagagawa. Ni nasisimulan.

So back to the story, edi ayun, kinuha ko na naman mula sa overhead cabinet ko yung post cards. Proud na proud ako sa sarili ko kasi feeling ko ang dami ko na nabili since almost 2 years na naman ata ako umaattend ng local comic events. Aba nung nilatag ko na sila isa-isa, halos 15 pieces palang pala yung nakokolekta ko. Kala ko around 40 na, imagination ko lang pala.

Napaisip tuloy ako, pucha, pag namatay ako, eto lang at comics mga mapapamana ko. Aanhin naman ng pamilya ko tong post cards?? Mapapadala ba nila to sa afterlife? 

Nalungkot naman ako. Sana pagkakitaan o itago man lang nila to pag nawala ako. At least may maiiwan akong funny comics. Pwedz narin.

Dami ko pang unread books. Shet. 

Advertisements

The night is long and there have been many wake up calls even when the darkness hasn’t faded yet. I still haven’t found my torch but the clock is ticking and I’m getting left behind in a place where time stands still. Time to trudge into the woods.